Pangungusap (Sentence)

I. Introduksyon:

Ang Pangungusap ay lipon ng mga salita na nagsaad ng buong diwa.

Bawat pangungusap ay may dalawang bahagi -- ang Simuno at Panaguri

1. Ang Simuno (subject) ay ang paksa o ang pinag-usapan sa pangungusap. May mga panandang si, sina kung tao ang simuno at ang o ang mga kung bagay, lunan o pangayayari.

2. Ang Panaguri (predicate) naman ang nagsasabi tungkol sa simuno.

Halimbawa:

a. Ang pinaghugasan ng pinggan ay ipinandidilig ko ng halaman.
Simuno: pinaghugasan ng pinggan
Panaguri: ay ipinandidilig ko ng halaman

b. Ginagamit ko ang basurahan nang maayos.
Simuno: ang basurahan
Panaguri: ginagamit nang maayos


II. Ayos ng Pangungusap


May dalawang kaayosan ang pangungusap. Ito ay ang Karaniwang Ayos at ang Di-karaniwang Ayos.

Ang Karaniwang Ayos ng pangungusap ay nauuna ang panaguri kaysa sa simuno/paksa.

Hal.
Nandito ako.
(panaguri) (simuno)


Ang Di-karaniwang Ayos ng pangungusap ay kung nauuna ang paksa at ginagamitan ng panandang "ay".

Hal.
Ako ay isang matalinong bata.
(simuno) (panaguri)


III. Mga Uri ng Pangungusap

May apat na uri ang pangungusap ayon sa gamit:

1. Paturol o Pasalaysay - ang pangungusap kung naglalahad ito ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok (.).

Hal.
Nakalimutan mo ang iyong aklat sa bahay.

2. Pautos - ang pangungusap kung nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok (.).

Hal.
Pakikuha po ng sapatos ko sa may mesa.

3. Patanong - ang pangungusap kung nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang pananong (?).

Hal.
Sino ako?

4. Padamdam - ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).

Hal.
Aba, may sunog!


IV. Payak at Tambalang Pangungusap

1. Payak na pangungusap - kung ang isang ideya lamang ang ipinahahayag. May simuno at panaguri ito na maaring higit sa isa.

Hal.
Masarap at masustansya ang mga gulay.

2. Tambalang pangungusap - kung dalawang diwa o ideya ang ipinahahayag na maaring magkatulad, magkasalungat o pagpipilian. Dalawang payak na pangungusap ang pinagsama at pinag-uugnay ng at, o ngunit,

Hal.
Naglalaba si Juan habang nagluluto ang kanyang asawa.


V. Layon ng Pangungusap

Tatlo ang layon na maaring gamitin sa pangungusap.

1. Ang tuwirang layon ay tumatanggap ng kilos pandiwa at may panandang ng. Sumasagot ito sa tanong na ano.

Hal.
Sumayaw siya ng Tango.

2. Ang di-tuwirang layon ng pandiwa ay pinaglalaanan o pinagtutunguhan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong ng kanino.

Hal.
Binigyan ko siya ng bulaklak.

3. Ang layon ng pang-ukol na sa ay tumutukoy sa lugar kung saan naganap ang kilos.

Hal.
Pumunta kami sa palengke.

Pangngalan (Noun)

I. Introduksyon

- Ang Pangngalan ay ngalan ng tao, lugar, bagay, gawa o pangyayari.

Hal.

aso
pusa
Juan
Maynila


II. Mga Uri ng Pangngalan

1. Pantangi – mga pangngalang nagsisimula sa malalaking Titik.

Hal. Monggol, Toyota

2. Pambalana – mga pangngalang nagsisimula sa maliit na Titik.

Hal. lapis, kotse

3. Lansakan – mga pangngalan tumutukoy sa isang pangkat.

Hal. tangkas, dosena, kumpol


III. Gamit ng Pangngalan

1. Ang pangngalan ay maaring gamiting simuno o panaguri ng pangungusap.

Hal.

Bata si Ana

2. Maari ring gaimting layon ng pandiwa, ganapan, at pinaglalaanan.

Hal.

Bumili si Juan ng bolpen sa tindahan para sa kanyang kapatid.

3. Ang simuno ay ang paksang pinag-uusapan. Kung ang simuno ay pangngalan, ito ay may panandang ang o si.

Hal.

Si Juan ay ang nakasira ng mesang ito.

Panghalip (Pronoun)

I. Introduksyon

- Ang Panghalip ay humahalili sa mga pangngalan.

Hal.

Si rosa ay maganda.
Siya ay maganda.
(ang panghalip na “siya” ang humahalili sa pangngalang “rosa”)


II. Mga Uri ng Panghalip

1. Panghalip na Panao – ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan, dalawahan at maramihan.

Pinapalitang Ngalan ng Tao/Panauhan

Bilang o Kailanan

Isahan

Dalawahan

Maramihan

Taong Nagsasalita

Ako, akin, ko

kita, kata

Tayo, kami, natin, naming, atin, amin

Taong Kausap

Ikaw, ka

Kayo, inyo, ninyo

Taong Pinag-uusapan

Siya, niya, kanya

Sila, kanila, nila


2. Panghalip na Pamatlig – ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Ito rin ay inihalili sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap o nag-uusap.

Hal.

Mabango ang bulaklak.
Mabango ito.

Malapit sa Nagsasalita

Malapit sa Kausap

Malayo sa Nag-uusap

ito/ ire

heto

dito

iyan

hayan/ ayan

diyan

iyon

hayun/ ayun

doon


3. Panghalip na Patulad – ay inihalili sa itinutulad na bagay.

Hal.

Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalita
Ganyan - Malapit sa kausap
Ganoon/Ganyan - Malayo sa nag-uusap


4. Panghalip na Panaklaw - ay mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan.

Nagsasaad ng Kaisahan

Nagsasaad ng dami o kalahatan

Isa

Isapa

Iba

bawat isa

Lahat

Tanan

Pulos

Balana

Pawing

Madla

Pandiwa (Verb)

I. Introduksyon

- Ang Pandiwa ay mga salitang nagpapakita ng kilos o galaw.

Hal.
Naputol ang kwentas ko.
Nahulog siya.

- Nabubuo ang pandiwa sa pamamagitan ng salitang-ugat at panlapi. Ang pinagtambal na salitang-ugat at panlapi ay tinatawag na pawatas.


II. Mga Aspekto ng Pandiwa

1. Naganap na – ay mga pandiwang naganap na.
2. Ginaganap pa – ay mga pandiwang ginaganap pa.
3. Gaganapin pa – ay mga pandiwang gaganapin pa.

May mga tuntunin sa pagbabago ng pandiwa sa pamamagitan ng mga panlaping um, mag, ma, mang, an o hin, maka, an, o gan at i.

a. Ang mga panlaping ma, mag, mang, maka ay binabanghay nang ganito.

salitang ugat panlapi pawatas
salita mag magsalita

- kapag naganap na, ang mag ay nagiging nag.
Hal. magsalita - nagsalita

- kapag nagaganap pa lamang, ang mag ay nagiging nag at inuulit ang unang pantig o
unang dalawang letra o salitang-ugat.
Hal. magsalita – nagsasalita

- kapag magaganap pa lamang, ang mag ay mananatiling mag at inuulit ang unang pantig o
unang dalawang letra ng salitang-ugat.
Hal. magsalita – magsasalita

b. Para sa an o han, narito ang paraan o pagbabanghay sa pawatas.

salitang-utag + panlapi = pawatas
sulat + an = sulatan
sabi + han = sabihan

- Naganap na – isinisingit ang panlaping in sa loob ng salitang-ugat at panatilihing ang panlaping an o han
Hal. sinabihan

- Ginaganap – isinisingit ang panlaping in sa salitang ugat at inuulit ang unang pantig o unang dalawang letra ng salitang-ugat. Mananatili pa rin ang panlaping an o han.
Hal. sinasabihan

- Gaganapin pa – ulitin lamang ang unang pantig ng unang dalawang letra ng salitang-ugat at isama sa pawatas.
Hal. sasabihan

c. Sa mga pandiwang banghay sa panlaping i narito ang dapat gawin.

- Naganap na – isingit ang panglaping in sa salitang-ugat at panatilihin ang panlaping i.
Hal. itinago

- Ginaganap pa – isingit ang panlaping in sa salitang-ugat at ulitin ang unang pantig o unang dalawang titik ng salitang-ugat. Mananatili pa rin ang panlaping i.
Hal. tinatago

- Gaganapin pa – ulitin lamang ang unang pantig at panatilihin ang panlaping i.
Hal. itatago

Pang-uri (Adjective)

I. Introduksyon

- Ang Pang-uri ay mga salitang naglalarawan. Inilalalarwan nito ang katangian ng mga pangngalan at panghalip.

- Maaring gawing payak na simuno o payak na panaguri ang pang-uri.

- Maari rin itong gwing bahaging naglalarawan ng simuno o panaguri.

Hal.
Maganda ang babaeng dumaan dito kanina.

- May mga pang-uri ring kaugnay ng pandama. May ma bagay na nauuri natin ang katangian sa pamamagitan ng pandama tulad ng: matalas at matulis; makinis o magaspang; malamig o mainit; makati at mahapdi.



II. Antas ng Pang-uri

Pangngalan

Lantay na Pang-uri

Pahambing

Pasukdol

bulaklak

mabango

mas mabango

pinakamabango

bag

bago

higit na bago

napakabago



- Pansinin ang mga pang-uri sa tsart. May tatlong kaantasan ang pang-uri sa paglalarawan ng pangngalan. Ang mga nasa tsart ay nasa lantay na antas.

1. Nasa pahambing na antas naman kapag nilagyan ng salitang mas o higit ang pang-uri.

2. Ginagamit ang mas o higit kung nakahihigit ang isa sa dalawang pinaghahambing. Kung pareho naman ang katangian, ginagamit ang kasing o magkasing.

3. Kung nakahihigit ang isa sa dalawang pinaghahambing, ginagamit ang di-gaano o di-gasino.

4. Kung pasukdol na antas naman ginagamit ang panlaping pinaka, napaka, sa salitang-ugat. Maaaring gamitin ang mga salitang ubod ng, saksakan ng, nuno ng at iba pang pasukdol na salita.

Pang-abay (Adverb)

I. Introduksyon

- Ang Pang-abay ay mga salitang naglalarawan ng pandiwa, pang-uri o sa kapwa pang-abay.

Hal.
Taimtim na nanalangin ang mga tao sa simbahan.



II. Mga uri ng pang-abay

May iba't-ibang uri ang pang-abay.

1. Pang-abay na pamaraan - ay sumasagot sa tanong na paano. Ginagamit itong panuring sa pandiwang pang-uri at kapwa pang-abay.

- Panuring sa pandiwa:
Hal. Taimtim na nanalangin ang mga tao.

- Panuring sa pang-uri:
Hal. Sadyang masigla ang pananaw sa buhay ng lola niya.

- Panuring sa kapwa pang-abay
Hal. Talagang mabilis umunlad ang buhay ng mga taong matitiyaga.

2. Pang-abay na pamanahon - ay mga salitang naglalarawan kung kailan naganap ang kilos o gawain. Sumasagot sa tanong na kailan. Ang pang-abay na pamanahon ay may apat na uri:

- Payak: bukas, mamaya, ngayon
- Maylapi: kagabi, samakalawa
- Inuulit: araw-araw, gabi-gabi
- Parirala; noong nagdaang linggo, sa darating na bakasyon

3. Pang-abay na panlunan - ay tumutukoy sa lugar na pinangyarihan ng kilos. Ito ang pinangunuhaan ng katagang sa.

Hal.
sa silong ng bahay
sa gitna ng daan